Courtesy: _azmartinez IG, The Secrets of Hotel 88
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagdating ng karakter ni AZ Martinez sa The Secrets of Hotel 88.
Ipinakilala na si AZ sa serye bilang si Sari Garcia at kasunod nito ay tila marami ang nakapansin sa mahusay na pagganap sa kaniyang role.
Sa ilang eksena, nasaksihan ang natural na pagbitaw ni AZ ng kaniyang mga linya at ang pagiging bubbly ng karakter niyang si Sari.
Narito ang reactions at comments ng ilang fans at viewers sa acting skills ni AZ:
Bago pa ang kaniyang appearance sa The Secrets of Hotel 88, una nang inilarawan ng Sparkle star ang kaniyang karakter sa nagdaang media conference ng suspense collab series.
Pagbabahagi niya, “[Yong role ko], sobrang mapagmahal, sobrang masipag sa lahat ng gusto niyang gawin at dapat niyang gawin.”
Bukod sa excellent acting skills ng Kapuso star, kinakiligan din sina AZ at Ralph De Leon at ang kanilang mga unang eksena together.
Sila AZ at Ralph ay parehong ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, kung saan nagsimula ang pag-ship sa kanila ng kanilang mga nakasama sa Bahay Ni Kuya at ng viewers.
Patuloy na subaybayan si AZ bilang si Sari sa suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.
Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime at Kapuso Stream, at 11:25 p.m. naman sa GTV.
Ipinapalabas din ang naturang serye sa iWant TV.